Make your own free website on Tripod.com
teacher-a
Home
Useful Links
Pagawaan ng Tao
Paglalakbay
Pasko
Contact Me

Ideology
Welcome teacher a's site
Sample Site for EDTECH 101 Showcasing

Pagawaan ng Tao

Walang sinuman ang may karapatang ipagtanggap ang ideya niya bilang ideyang paniniwalaan ng iba. Ito'y kusang ibinibigay at hindi hinihingi. Minsan na lang itong nangyayari ngayon.
Noong nasa sinapupunan ka pa ng nanay mo hanggang sa ilibing ka na ng mga apo mo, ikaw ay isang produkto ng proseso ng edukasyon o pag may pera, pag-aaral sa paaralang kahit pampubliko man lang. Bagamat isang katiting na bahagi lang ng buong edukasyon ng tao ang makukuha sa paaralan, taglay mo ang mga kabutihang dulot nito at biktima ka rin ng kung anumang kabalbalang naka-angkla sa sistemang kanapapalooban ng edukasyon mo.

Ang Paglalakbay

Labag man sa akin ang gumising nang napakaaga tuwing Miyerkules nung nakaraang sem, wala na akong magagawa sa kabila ng kailangan kong bumawi sa ilang araw na ring pagpupuyat. Ang pagtulog sa pamantasang ito ay isang mamahaling bagay na hindi ko kayang mabili at kahit nakawin man ay napakaimposible pa rin.

Magkano ang Pasko sa Bilog na Mundo?

Sa labing-pitong taon kong pamumuhay dito ay ngayon ko pa nagpagtanto na bilog nga ang mundo at ako'y lubos na nagpapasalamat sa kung sinumang nilalang na nakadiskubre nito. Ni hindi ko man lang pinagbigyang-pansin ang mga guro kong nagsabi sa mapait na katotohanang ito noong mga nakaraang taon sa ilang ulit na ring paglabas-pasok ko sa paaralan.

March 23, 2008- created site

People shouting at the world over megaphones; Size=240 pixels wide

Please get in touch with any comments or reactions to my site.